top of page
Writer's pictureThe Duck in the Nest

PAGKABATA: A Short Prose on Tagalog Descriptives


A bowl of cold rice in front of a kitchen setting.
Malamig na kanin sa gabi.

"Mama, saan ko itatago itong bahaw na kanin?", wika ng isang batang babaeng anim na taong gulang ang edad. Siya ay may puting sando at asul na shorts na suot na hindi akma sa kanyang tangkad. Paikot-ikot siya sa maliit na kusina hawak ang plato nito.


Maikli ang kanyang itim na buhok na halos mukhang balat ng buko ang hubog na hinihiwa niya sa kanyang kayumangging mukha.


Dahil sa sobrang laki ng kanyang mala-paldang ibabang damit, siya'y halos matapilok habang inilalapit niya ang berdeng plato na may bahaw na kanin sa harap ng kanyang ina.


"Mama, bakit bawal itapon ang kanin na bahaw?", tanong muli ng maliit na paslit.


"Kasi pag nagsayang daw tayo ng kanin, lalabas daw sa sugat natin ito kapag tayo ay nasaktan", pakanta na takot ng kanyang inang saktong limang metro lamang ang tangkad.


Ang kanyang mahabang kinulayan na pulang buhok ay nakatirintas sa kanyang likod at sumusuray-suray hanggang baywang habang siya'y nagluluto ng kaldereta.

Ang anak niya ay dalawang metro lamang ang tangkad na umupo na sa harap niya at kinakain ang kanin.


"Ma, ang pangit na ng lasa. Maaaasim!", sigaw ng bata pagkatapos niya ito isubo ang kanang parte nito na may pagka-malapsak na. Hindi maipinta ang kanyang mukha sa kakaibang lasa ng panis na kanin.


"Yan, kasi. Napanis dahil sa kakulitan mo. Kurutin kita sa singit e. Lagay mo na sa tabi ko. Ako na magliligpit niyan," sabay tawa ng kanyang ina.


Dalawang dekada ang nakalipas naaalala pa rin ng bata ang memoryang ito. Siya ngayon ay kasintangkad ng kanyang ina at halos kamukha maliban sa buhok na parehas pa rin ang ikli at kulay mula pagkabata.


Siya ay may suot na itim na bestidang hanggang tuhod na nakaharap sa isang puntod.

"Nagdala ako ng plato ng bahaw na kanin, Ma.


Wala lang, sana naalala mo pa. Mabilis talaga ang panahon. Minsan ka lang talaga maging bata."

7 views0 comments

Recent Posts

See All

On Love.

Comments


bottom of page